
Binigyang-diin ng Philippine National Police (PNP) na matibay ang kanilang paninindigan sa mga ebidensyang inihain sa Department of Justice (DOJ) kasunod ng nangyaring shooting incident sa Senado.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, naibigay na nila ang lahat ng ebidensya at ito ay naka-angkla sa facts evidence at due process.
Samantala, muling iginiit ng PNP na iginagalang nito ang umiiral na proseso kaugnay ng usapin sa ICC warrant laban kay Senator Ronald dela Rosa.
Ayon kay Tuaño, hahayaan ng PNP ang mga kaukulang ahensya partikular ang DOJ na magbigay ng opisyal na impormasyon hinggil sa nasabing usapin.
Facebook Comments










