Commission on Appointments, nag-convene na sa unang pagkakataon

104

Nag-convene na sa unang pagkakataon ang makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Si Senate President Juan Miguel Zubiri ang concurrent Chairman ng komisyon at nahalal naman na Vice Chairman si Pangasinan Rep. Ramon Guico.

Samantala, itinalaga namang Majority Floor Leader si Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte at Assistant Majority Floor Leader naman si SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta.


Samantala, naihalal namang Minority Leader ng CA si Senator Alan Peter Cayetano.

Pero pagkatapos na maihalal si Cayetano ay nagpahayag ng pagkabahala si Senator Risa Hontiveros dahil hindi naman umano orihinal na myembro ng Minority Bloc sa Senado si Cayetano.

Ang magkapatid na Cayetano sa Mataas na Kapulungan ay hindi miyembro ng mayorya at minorya sa Senado at nagpasya ang mga ito na maging Independent Bloc.



Facebook Comments