Confirmation of charges hearing ni FPRRD, posibleng maantala kung hindi agad maghahain ng challenges ang defense team

Naniniwala ang isang International Criminal Court (ICC) accredited lawyer na kailangang madaliin ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahain ng challenges bago ang pre-trial hearing sa Setyembre.

Ito ay matapos na makumpleto na ang defense team ng dating pangulo ayon na rin sa lead counsel nitong si Atty. Nicholas Kaufman.

Sa ambush interview, sinabi ni Atty. Joel Butuyan na dapat hindi na paabutin ng pre-trial kung gusto nilang maghain ng mga petisyon.

Isa sa posibleng ipetisyon ng kampo ni Duterte ang interim release habang naghihintay pa ng paglilitis.

Sa September 23, tutukuyin ng ICC judges kung may sapat na ebidensiya para magpatuloy ang paglilitis kay Duterte dahil sa mga akusasyon ng crimes against humanity sa ilalim ng giyera kontra iligal na droga ng kaniyang administrasyon.

Facebook Comments