Wednesday, March 4, 2026

Cong. Bong Suntay, dapat na mag-sorry na agad sa aktres na si Anne Curtis

Pinagso-sorry ni Senator Risa Hontiveros si Quezon City Representative Bong Suntay sa naging remarks o pahayag nito sa aktres na si Anne Curtis habang nasa gitna ng pagdinig sa Kamara.

Iginiit ni Hontiveros, Chairman ng Committee on Women, na walang excuse sa nakakagalit na pahayag ni Suntay sa aktres at dapat itong makipag-ayos.

Nakababahala aniya na patuloy pa ring pinangangatwiranan ng kongresista na walang mali sa kanyang mga nasabi.

Paalala ni Hontiveros na umiiral ang batas na “Bawal Bastos Law” o ang Safe Spaces Act na nagbabawal at nagpaparusa sa mga sexual comments.

Bilang mambabatas ay dapat alam ito ni Suntay at bilang kongresista ay dapat sinusunod niya ito.

Dagdag pa ng senadora, ang insidenteng ito na naganap sa gitna pa ng Buwan ng mga Kababaihan ay isang paalala na dapat ay patuloy nating ipaglaban ang dignidad at paggalang sa mga kababaihan.

Facebook Comments