Umaabot na lang sa 370% ang congestion rate ng mga kulungan sa buong bansa.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Spokesman Chief Inspector Jayrex Bustinera na malaki ang ibinaba nito kung ikukumpara noong taong 2018 na umaabot 600%.
Pero para patuloy itong bumaba nagpapatupad sila ng mga programa para maging maganda ang sitwasyon ng mga preso sa mga bilangguan.
Kabilang aniya rito ang pagpapatayo ng mas malalaking kulungan o jail facilities, pagkuha ng serbisyo ng mas marami pang paralegal experts, at pagpapaigting sa Good Conduct Time Allowance o GCTA ng mga preso.
Ayon kay Bustinera isang paraan dito ay ang paglalagay ng jail libraries sa mga kulungan upang matulungan ang mga preso na makakuha ng GCTA upang maging mas mabilis ang kanilang paglaya nang sa ganun mabawasan ng mga preso sa mga bilangguan.