CONSTRUCTION WORKER PATAY MATAPOS MABAGSAKAN NG ELECTRICAL PANEL BOARD SA LOOB NG ISANG UNIBERSIDAD SA DAGUPAN CITY

Namatay habang ginagamot ang isang construction worker matapos itong mabagsakan ng kanilang inaangat na electrical panel board sa Dagupan City.
Ang biktima ay nakilalang si Lynwil De Pedro Pamiroyan, tubong Iloilo City.
Lumalabas sa imbestigasyon na inaangat ng biktima ang nasabing Electrical Panel Board na may timbang 800 kilos kasama ang ilang mga kapwa construction worker nito ng aksidenteng madulas ang biktima at nahila nito ang chain release ng lifting device na ginamit sa Pag aangat ng panel board dahilan upang mahulog ito at tumama sa biktima.

Dahil dito ay nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit namatay ito habang ginagamot. |ifmnews
Facebook Comments