Contact tracing para mapigilan ang community transmission ng COVID-19, papalawigin ng DOH

Papalawigin ng Department of Health (DOH) ang contact tracing nito matapos na maitala ang ika-anim na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na may plano na ang ahensya kung paano paiigtingin ang kanilang hakbang laban sa virus.

Una nang itinaas ng DOH ang code red sub-level 1 alert.


Layon nito na magamit agad ang pondo at mapadali ang proseso ng procurement.

Oobligahin din ang mga ospital na i-report sa ahensya ang mga sakit na pwedeng kahina-hinala.

Magkakaroon din ng mandatory quarantine kung saan hindi maaaring umalma ang isang indibidwal.

Awtorisado rin ang doh na magpatupad ng travel restrictions at price freeze.

Samantala, bagama’t nakapagtala na ng unang local transmission ng sakit, wala pa namang naitatalang community transmission nito sa bansa.

 

Facebook Comments