Gusali ng kumpanyang pinapasukan ng empleyadong nagpositibo sa COVID-19, isinara muna

Pansamantalang isinara ang gusali ng kumpanyang pinapasukan ng empleyado nitong nagpositibo sa COVID-19.

Alas 7:00 kagabi nang isara ang neo buildings para magsagawa ng disinfection at sanitation process.

Inabisuhan din ng Neo Property Management Inc. Ang lahat ng tenant nito na i-review ang travel history at plano ng kanilang mga staff.


Pinatututukan din nito ang kalusugan ng lahat ng staff na kababalik lang ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Patuloy din anila silang nakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) para magabayan sila sa pag-iwas na kumalat ang sakit.

 

Facebook Comments