Cordillera, Pinaghahandaan ang Bagyong Ompong!

Baguio, Philippines – Pinaalalahanan ng Office of Civil Defense Cordillera o OCD – CAR ang mga local government units ng Cordillera Administrative Region para sa istriktong pagpapatupad ng evacuation sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyong Ompong.
 

Ayon kay Office of Civil Defense Cordillera Director Ruben Carandang ay kailangang tutukan ang mga residenteng nakatira sa mga landslide prone areas dahil malaki raw ang posibilidad na magkaroon ng soil erosion at landslides. Nakiusap rin si Director Carandang sa mga taga Cordillera na sumunod sa mga safety measures na ipatutupad ng otoridad upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
   \
Sa ngayon ay nasa red alert status ang OCD – Cordillera at nagsimula na ring magmonitor sa bagyong Ompong.

iDOL, doble ingat tayo ha. Kung dapat mag evacuate, gawin natin agad!


| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments