Cotabato city PNP pinaigting ang kampanya sa illegal na droga

Mas pinaigting ng City PNP ang kanilang kampanya kontra sa illegal na droga sa lungsod kung saan sa umaabot nasa tatlumpo katao ang kanilang nahuli mula ng ibalik sa kanilang kontrol ang paghahabol sa mga taong sangkot sa bentahan ng droga. Sinabi ni City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio, na isa ang nasawi sa kanilang drug operasyon matapos manlaban, habang isang pulis naman ang kanilang nahuling nagpot-session. Silang lahat ay nasampahan ng kasong Paglabag sa RA-9165, sa pinaigting na kampanya sa droga ni Col.Octavio ay unti-unti ng sumisikip ang mga bilangguan sa apat na police station.. Nanawagan siya sa cotabatenyo na isumbong sa kanila kung may mapansin tao na sangkot sa pagtutulak ng shabu.

Facebook Comments