Batay sa pinakahuling datos ng ospital nitong Enero 4, 2022, 34 rito ay confirmed o positibo sa COVID-19 at anim naman ang suspected cases.
Sa 34 na kumpirmadong kaso, 32 ang mula sa Lalawigan ng Cagayan kabilang ang Tuguegarao City (9), Sto Nino (3), Solana (2) , Gattaran (2) , Alcala (1), Allacapan (1), Aparri (1), Baggao (3) , Ballesteros (1) , Calayan (1), Camalaniugan-1, Enrile (1) , Tuao (1); Peñablanca (1) , Sanchez Mira (1), Piat (2); at Santa Ana (1).
Habang ang tatlo pang confirmed cases ay mula naman sa Rizal, Kalinga (1) at Tabuk City (2).
Ang mga suspected cases naman ay mula sa Tuguegarao City (2); Amulung, Cagayan (1); Gattaran, Cagayan (1), Peñablanca, Cagayan (4); Solana, Cagayan (2), Cabagan, Isabela (1); at Tabuk City, Kalinga (1).
Samantala, nitong Enero 3, nasa 36 lamang ang nasa pangangalaga ng kanilang ospital.
Muli namang nagpaalala sa publiko ang pamunuan ng ospital na manatiling sumunod sa mga minimum health protocols lalo na’t may bagong variant ng COVID na tinatawag na ‘omicron’.