PAGBABAWAL SA MGA TURISTANG AAKYAT NG BAGUIO CITY NILINAW NG PNP

25

Nilinaw ng PNP Baguio ang naunang Executive Order ng lokal na pamahalaan ng Baguio City.

Sa naging panayam ng ifm dagupan kay Baguio City Police Public information officer Lt. Col. Judy Palicos, sinabi nito na base sa kanilang pagpupulong, ang mga naka-pagpareserved ng kanilang bookings na hanggang sa January 6 ay papayagang makapasok pa ng lungsod.

Samantala mula January 7 naman ay hindi na papayagan ang mga turistang nais makapasok ng Baguio City hanggang hindi inaalis ang Executive Order.

Ramdam ani ni PLt. Col. Palicos ang dagsa ng mga tao nitong nakalipas na holiday season base sa kanilang monitoring.

Sa ngayon ay nananatili naman aniya ang pagtutok ng PNP sa mga boarder controlled point kung saan ay hinahanap ang mga kaukulang papeles bago makapasok ng lungsod. | ifmnews

Facebook Comments