Itinuturing ng World Health Organization (WHO) na “remarkable” ang vaccination rollout sa Pilipinas laban sa COVID-19.
Ito ay matapos maiturok na sa bansa ang 12 million doses ng COVID-19 vaccine sa loob ng apat na buwan.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, naging mabilis ang vaccination rollout ng bansa sa kabila ng kakulangan ng supply ng mga bakuna.
Sa kabila nito, kailangan pa rin aniyang makabunahan ang tinatayang 85% ng populasyon laban sa COVID-19.
Paliwanag ni Abeyasinghe, ngayong may mga bagong variant pa ng COVID-19 na nadidiskubre lalong kinakailangan na mabigyang proteksyon laban sa virus ang mas malaking populasyon.
Tiwala naman si Abeyasinghe na kayang abutin ng Pilipinas ang target na porsyento ng populasyon na kailangan mabakunahan.