Kasunod na rin ito ng pag-aalinlangan ng ilang kababaihan na magpabakuna kontra Covid dahil sa takot sa magiging epekto nito sa kanilang katawan.
Sa isinagawang virtual Kapihan Session ng DOH Region 2, sinabi ni Dr. Sybil Lizanne Bravo ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) na hindi nakakabaog o nakakahina ng semilya ng isang babae o maging sa lalaki ang pagpapaturok ng COVID vaccine.
Napatunayan na aniya ito base na rin sa kanilang ginawang pag-aaral sa mga lalaki at babaeng nabigyan ng COVID-19 vaccine.
Bagkus, mas kinakailangan aniya ang nasabing bakuna para sa mga nagbabalak magbuntis o bumuo ng anak para maiwasang madapuan ng COVID-19 at magkaroon ng panlaban sa nasabing sakit.
Ayon pa kay Dr. Bravo, inirerekomenda pa at pinapayuhan ang mga buntis na magpabakuna kontra COVID-19 upang mailayo sa peligro na dulot ng Coronavirus at magkaroon ng sapat na proteksyon sa sarili maging sa ipinagbubuntis na sanggol.