OPERASYON NG LTFRB REGIONAL OFFICE 1, MANANATILING SUSPENDIDO HANGGANG IKA-21 NG ENERO

37

Mananatiling suspendido ang “face to face transaction” ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Regional Office 1 hanggang bukas Biyernes ika-21 ng Enero 2022.

Kasunod ito ng ginawang mass swab testing ng mga empleyado ng LTFRB Region 1 dahil sa 6 nang nag positive sa COVID-19.

Bagamat nais umano ng ahensya na makapagbigay ng serbisyo sa publiko, napilitan ang LTFRB na magpatupad ng mas mahigpit na health and safety protocols.

Ang mga sumusunod na transactions naman ay maaring gawin online o via email. | ifmnews

Facebook Comments