Binawian ng buhay kahapon ang isang pasyente na positibo sa covid 19 na taga Baao, Camarines Sur
Ayon sa kumpirmasyon ng lokal na pamahalaan ng Baao sa pamamagitan ni Mayor Jeff Bisenio, si Bicol # 216 ay residente ng Zone 6, Brgy. San Isidro ng nabanggit na bayan.
Si Bicol # 216 ay kinumpirma ng DOH-Bicol na positibo sa covid noong July 11. Makalipas ang tatlong araw, kahapon July 14, binawian siya ng buhay.
Samantala, 2 pang mga residente ng nabanggit na lugar ang kinumpirma ng DOH-Bicol na nagpositibo rin sa covid 19. Sila ay may mga direct exposure sa namatay na covid positive patient. Sila ay sina Bicol # 230 at #231 na pawang nasa ilalim na ng quarantine measures ng nasabing LGU.
Samantala, sa Naga City, isinailalim naman sa lockdown ang isang barangay dahil sa huling nagpositibo sa covid 19. Ang Barangay Pacol ay binabantayan ngayon ng LGU Naga City, partikular na ang mga barangay officials dahil sa ang nagpositibo sa covid ay isang kawani ng barangay. Ayon sa report, ang lahat halos na mga barangay officials ay naka-quarantine ngayon dahil sa exposure nila sa pinakahuling nakumpirmang nagpositibo sa covid 19.
Kaugnay nito, pansamantalang itinigil ang mga transaction sa nasabing barangay at mahigpit na pinapatupad ang mga precautionary measures sa mga residente na nakatira sa palibot ng Barangay Hall. Sarado na rin pansamantala ang mga kalsada malapit sa nasabing opisina ng barangay.
Covid Positive sa Bayan ng Baao, CamSur, Binawian ng Buhay
Facebook Comments