Inalis na ng provincial government ng Ilocos Norte ang COVID-19 test bilang requirements para sa mga fully vaccinated travelers.
Sa inilabas na Executive Order No. 174-22 ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc kahapon, nakasaad na papayagan nang pumasok sa probinsya nang hindi kailangang magpakita ng negative RT-PCR test result ang mga fully vaccinated, asymptomatic residents, tourists at authorized persons outside of residence (APOR).
Ang mga hindi naman bakunado o partially vaccinated na mga residente, turista at APOR ay dapat pa ring sumailalim sa testing maliban na lamang kung makakapagpakita sila ng valid medical clearance.
Samantala, papayagan ding pumasok sa Ilocos Norte ang mga menor de edad kahit hindi pa bakunado basta’t kasama ng kanilang mga magulang na kumpleto na sa bakuna.