Iiklian na ang ipinapatupad na curfew sa Metro Manila.
Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nagpagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na simula bukas, Oct. 13 ay magiging 12-midnight hanggang 4:00 AM na lang ang unified curfew.
Aniya, layon nito na mas marami pang negosyo ang magbukas sa patuloy na rin na pagbaba ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).
Sa kasalukuyang nasa 10 P.M. hanggang 4 A.M. ang ipinapatupad na curfew sa Metro Manila.
Facebook Comments