DADAGSAIN | Tapatang Pacquiao vs Matthyse, dadagsain ng mga kilalang personalidad

Malaysia – Dadagsain ng mga kilalang personalidad mula sa mundo ng politika at showbiz ang tapatang Pacquiao Vs. Matthyse na gaganapit sa Axiata Arena sa Kuala Lampur, Malaysia, bukas.

Una nang namataan sa Kuala Lampur noong Huwebes si Chavit Singson, na agad na bumisita sa pageensayo ni Pacman at nagpakita ng suporta.

Nasa Malaysia na rin sina Representative Lito Atienza, Representative Toby Tiangco at SolGen Jose Calida.


Inaasahang manunuod rin ng laban ang iba’t-ibang miyembro ng Royal families mula sa Malaysia at Brunei.

Matatandaan na una na ring nagsabi ang Pangulong Rodrigo Duterte na manunuod ng laban ng Pambansang Kamao.

Facebook Comments