Dagdag benepisyo sa mga single parents, itinutulak sa Kamara

Manila, Phillipines – Pinadadagdagan ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang benepisyo at mga pribilehiyong natatanggap ng mga solo o single parents.

Ayon kay Vargas, sa ilalim ng kasalukuyang batas ay hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga magulang na solong nagpapalaki ng kanilang mga anak.

Sa House Bill 3498 ni Vargas, ay pinababawasan ang waiting period mula isang taon sa anim na buwan para maka-avail ng benepisyo ang mga solo parent.


Hiniling din ang pagbibigay ng discount sa mga single parents para sa mga produkto tulad ng damit pambata, gatas, pagkain, gamot at vitamins.

Dagdag din dito ang pagbibigay pa ng additional parental leave na hindi hihigit sa pitong araw sa bawat taon para sa mga solo parents na nakapagtrabaho na ng anim na taon.

Batay sa pinakahuling pagaaral ng DOH at National Institute of Health ng UP, aabot sa 14 na milyon ang solo parents sa bansa at inaasahan pang lolobo sa 20 million ngayong taon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments