DAGUPAN, PINARANGALAN NG DOH PARA SA PUBLIC HEALTH SERVICES

Nagkamit ng Dagupan City ang pitong parangal mula sa Department of Health (DOH) sa ginanap na Awarding Ceremony kahapon, Disyembre 11, 2025, sa San Fernando City, La Union.

Pinarangalan ang City Health Office (CHO) at Epidemiology and Surveillance Unit sa iba’t ibang kategorya, kabilang ang Best Epidemiology and Surveillance Unit, EVIDENT DRRM H System, Best TB Control Program Implementer, Best Local Investment Plan for Health (LIPH) Implementer, AFP Surveillance Achievement, at Gawad Kalusugan 2025 First Place para sa Universal Health Care.

Personal na tumanggap ng mga parangal ang mga kinatawan mula sa CHO at DOH Region 1.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lungsod sa paghahatid ng dekalidad at maagap na serbisyong pangkalusugan para sa mga Dagupeño.

Facebook Comments