Dalagang Pipi at Bingi, Biktima ng Panggagahasa ng isang Fish Vendor

23

Cauayan City, Isabela- Inaresto ang isang fish vendor ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Dupax del Norte Police Station, Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit (NVPIU), Criminal Investigation and Detection Group Nueva Vizcaya Provincial Field Unit, 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company at San Pablo Police Station, Isabela Police Provincial Office kaninang umaga, Setyembre 14, 2021.

Sa ulat ng Police Regional Office 2, kinilala ang suspek na si Mario Mamauag, 58 anyos, may asawa at residente ng Lamo, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.


Kabilang ang tindero ng isda sa listahan ng Top 6 most wanted person (WCPD Regional Level) dahil sa kasong panggagahasa sa isang 17-anyos na dalaga sa San Pablo, Isabela.

Batay sa report ng Dupax del Norte Police Station, si Mamauag ay wanted umano sa kasong panggagahasa sa isang dalaga na may kapansanan o PWD deaf and mute.

Naaresto si Mamauag sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Romeo U. Habbiling ng Regional Trial Court Branch 37, Bayombong, Nueva Vizcaya para sa kasong 2 counts of Rape at walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Dupax del Norte Police Station si Mamauag para sa dokumentasyon bago iturn-over sa court of origin.



Facebook Comments