DALAWANG BAHAY SA BAYAN NG MAPANDAN, TINUPOK NA APOY

Mapandan, Pangasinan – Tinupok ng naglalagablab na apoy ang dalawang kabahayan sa bayan ng Mapandan na nagresulta ng unang alarma sa sunog at tinatayang nasa P1-Milyon ang halaga ng danyos ang nasunog.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Mapandan, sa lakas ng apoy sa unang bahay, nadamay din ang katabi nitong bahay.

Tinitignan ang dalawang dahilan ng pinagmulan ng sunog kung saan isang nag-overheat na airconditioned at sa kalumaan na rin ng bahay ang dahilan ng paglagablab ng apoy at pagtukoy sa dalawang bahay sa Brgy. Aserda sa nasabing bayan.


Base sa spot report ng BFP Mapandan, umabot umano sa unang alarma kung saan tumagal ng tatlumpung minuto ang sunog.

Wala namang naitalang nasaktan sa insidente ngunit tinatayang nasa P1-milyon ang halaga ng natupok sa dalawang kabahayan sa bayan.

Wala na ring naisalba ang mga nasugunan o ng may ari ng mga bahay dahil sa sobrang lakas ang amoy.

Nagpa-alala naman ang BFP na ugaliing maging mapagmatyag at bantayan o ayusin ang mga buhol-buhol na wirings ng bahay upang makaiwas sunog.

Facebook Comments