Kalibo, Aklan— Kinumpirma ni Brgy. Kagawad Mark Sy ng Brgy. Poblacion Kalibo na dalawang babaeng empleyado ng barangay ang nagpositibo sa COVID 19.
Base umano ito sa lumabas na resulta ng swab test mula sa mga naging close contact ng kanilang Tanod at IT na naunang nagpositibo sa virus.
Ikalawang batch umano ito ng mga empleyado ng ng brgy. na isinailalim sa naturang test habang naka quarantine kung saan pawang residente ang mga ito ng Purok 2 at 6 C. Laserna St. Iniimbestigahan din umano ng konseho sa pamumuno ni Brgy. Kapitan Niel Candelario ang mga pamilya ng kanilang mga empleyado kung naka uwi ang mga ito bago naquarantine.
Dagdag pa nito na nagpositibo rin sa virus ang tiyuhin ng IT na taga Rizal St., Kalibo.
Nadismaya rin ang barangay kagawad dahil noong byernes pa umano nagpadala ang council ng rekomendasyon sa Municipal IATF para sa lockdown ng C. Quimpo at Rizal st subalit ngayong araw palamang nagpapalabas ng EO ang alkalde.
Dapat rin umanong isailalim sa lock down ang lugar sa mas madaling panahon dahil may mga impormasyon na maraming napuntahang mga lugar ang mga naunang nagpositibo sa virus ngunit lumipas pa ang ilang araw bago ang pagtugon ang munisipyo.
Sa katunayan aniya noong Lunes ng hapon ay tumawag si Mayor Emerson Lachica kay Brgy. Kapitan Candelario habang sa kalagitnaan ng Brgy. Council session at iminungkahi na surgical lockdown na lang ang gawin sa lugar bagay na agad itong sinangayunan ng kapitan.
Umasa na umano sila na kinagabihan ay lalabas na ang Executive Order bilang tugon sa kanilang napag usapan.
Napag alaman na umabot na sa pitong active case ang naitala sa Brgy. Poblacion kung saan marami pang swab test result ang kasalukuyang pending at hinihintay pa ang resulta.
Dalawang empleyado ng Brgy. Poblacion council nagpositibo sa COVID-19, Kagawad Mark Sy ikinalungkot ang mabagal na tugon ng LGU Kalibo
Facebook Comments