Dalawang Katao sa Santiago City, Nahaharap sa kasong Adultery Matapos Matiklo!

381

Arestado ang dalawang katao matapos ireklamo ang mga ito sa kasong adultery.

Ito ay makaraang matiklo ni Dennis Salire, 31 anyos, construction worker at residente ng Calaocan Santiago City ang kanyang asawang si Naarmi Salire, 26 anyos at si Ronald Bohol, 28 anyos construction worker na may relasyon umano sa isat isa.

Batay sa pagsisiyasat ng Santiago City Police station 2 ay nakakatanggap umano ng impormasyon si Dennis mula sa kanyang mga ka trabaho na may ibang karelasyon ang asawa nito.

Dahil dito ay inobserbahan nito ang kanyang asawa kung saan ay nagpag- alam pa sa pagsisiyasat na pupunta umano ito ng manila dahil nag aaply upang mangibang bansa.

Matapos ang mahigit isang linggong pagkawala ng asawa ni Dennis upang mag ayos umano ng papeles ay dumating ito noong nakaraang April 14 habang kinahapunan ay umalis din at isinama pa ang kanyang isang anak.

Doon ay nagtaka na ang kanyang asawa ng hindi ito umuwi dahilan upang ito ay hanapin at ng maglibot ito ay napadaan sa bahay ni bohol at doon nakita ang tsinelas ng kanyang anak.

Agad namang itong tumawag ito ng barangay officials na nagresulta upang mahuli ang mga ito habang agad pang itinawag sa himpilan ng police station 2 ang naturang pangyayari.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Santiago City Police Office ang mga ito at nakahanda na ang kasong isasampa laban sa dalawa.

Facebook Comments