Dalawang mataas na opisyal ng PNP, sinibak ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Durterte si Police Chief Supt. Edgardo Tinio at si Police Director Joel Pagdilao.

Sa nilagdaang dismissal order ni Executive Secretary Salvaldor Medialdea, ito ay dahil sa administrative case at serious neglect of duty sa hindi nila pagtatrabaho nang mabuti para mapigilan ang iligal na droga sa bansa.

Matatandaang kabilang sina Pagdilao at Tinio sa mga police officials na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa illegal drug trate sa bansa.


Facebook Comments