Dalawang membro ng Special Forces tinambangan ngayon umaga

Isa ang patay habang isa naman ang sugatan sa nagyaring pamamaril sa dalawang kasapi ng 12th Special Forces Company ng 5th Special Forces battalion kaninang 7:50 ng umaga sa night market ng Campo Muslim barangay Bagua mother. Ayon sa panayam ng DXMY RMN Cotabato kay PP4 station Commander PSI Tirso Pascual, sakay umano ang dalawang sundalo sa isang single motorcyle na nanggaling sa marketing at papauwi na sana sa kanilang detachment sa Kalanganan mother ng pagsapit sa naturang lugar ay bigla silang dinikitan ng riding in tandem criminals. On the spot na nasawi si PFC Paimalan matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo habang naisugod naman sa CRMC si Pvt.Richard Bendanillo. Sinabi pa ni Pascual na posibleng na pattern ang dalawa at sinundan ng mga suspect.Patuloy pa ang kanilang inbestigasyon sa insedente.

Facebook Comments