Ibajay, Aklan — Natupok ng apoy ang isang ancestral house sa Sta. Rita Street, Brgy. Poblacion, Ibajay, Aklan noong Sabado ng gabi matapos na sumiklab ang sunog. Ang nasabing ancestral house ay pagmamay-ari ni Antonio Magpusao. Base sa report ng BFP Ibajay na agad nila itinaas sa 2nd alarm ang sunog kaya’t nag responde rin sa lugar ang Nabas Fire Station, Tangalan Fire Station, Makato Fire Station, Ibajay PNP, Ibajay MDRRMO, Nabas MDRRMO, Poblacion Kalibo BDRRMO at AKELCO. Maliban sa ancestral house ay naging partially burned naman ang katabi nitong bahay. Sa kasagsagan naman ng sunog ay isang 66-anyos na lola ang ni-rescue matapos na ma-trap sa nasusunog na bahay kung saan ay nagtamo ito ng first degree burn sa kamay, kaliwang tuhod at iba pang parte ng katawan at agad na dinala ito sa Ibajay District Hospital. Base sa pagtaya ng mga taga BFP ay aabot sa Php 500,000 ang naging inisyal na pinsala ng sunog. Samantala, bago ang sunog sa Poblacion, Ibajay ay nasunog rin ang isang bahay Brgy. San Jose, Ibajay Sabado naman ng hapon. Ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Maret Magluyan Albacino. Ayon kay Jay Ar Gregorio Sabino na bago mapansin ng mga kapitbahay ay malaki na ang apoy. Nagtulong tulong naman ang ilang residente sa pag apula ng apoy hanggang sa dumating ang BFP Ibajay at naapula ang apoy. Napag-alaman na merong nagluto sa bahay at may naiwang baga na siya namang pinaniniwalaang tumalsik (liay) tuyong dahon ng niyog at lumaki ang apoy. Wala namang naiulat na sugatan sa insidente at hindi na nadamay ang kadikit na bahay na pagmamay-ari ng kanyang kapatid. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Ibajay sa dahilan at sa pinsalang naiwan nito.
[image: 📷]: BFP Ibajay
[image: 📷]: BFP Ibajay
Facebook Comments