Panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad ng ilang oil company bukas

87

Panibagong oil price hike na naman ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis bukas, Hunyo 14.

Tinatayang nasa P2.15 kada litro ang idadagdag sa presyo ng gasolina habang P4.30 sa kada litro ng diesel, at P4.85 sa kada litro ng kerosene.

Ipapatupad ng Shell at Seaoil ang taas-presyo epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga habang ang Cleanfuel naman ay alas-8:00 ng umaga.


Ang oil price hike ay bunsod pa rin ng ban sa Russian oil ng maraming bansa sa Europa at pagtaas ng konsumo nito dahil sa pagluluwag ng restrictions sa maraming lugar sa China.

Facebook Comments