
Hindi na nakapalag pa ang isang babae at kaibigan nitong lalaki matapos mahuling nagkakara-krus sa bangketa sa Maynila.
Ang mga nadakip ay nakilala sa alyas na Rica at Alfred na pawang mga residente ng Tondo at kapwa mga vendor sa Divisoria.
Naaresto sila ng mga tauhan ng Mpd Station-11 sa bahagi ng Sanchez Street malapit sa kanto ng CM Recto Avenue, Brgy. 293 sa Binondo.
Unang nakita ng mga nagpapatrolyang pulis na nagkakara-krus ang dalawa at isa pa nilang kasama.
Agad silang nilapitan ng mga pulis pero nakatakbo ang isa sa kasamahan nina alyas Rica at Alfred kung saan bukod sa nakumpiskang perang aabot sa P350, nahulihan pa ang suspek na lalaki ng isang pen gun na kargado ng bala.
Facebook Comments










