Dating brgy. tanod, patay matapos pagbabarilin

Manila, Philippines – Patay ang dating brgy. tanod matapos barilin ng hindi nakilalang salarin sa brgy. Batasan Hills QC.

Inabutan pang nakabulagta sa maliit na sari-sari store sa Hill St. ang biktima na si Jinnie Umlang residente sa lugar.

Ayon sa mga saksi, isang putok ng baril ang narinig at nakita nalang na duguan na si Umlang.


Kumikilos pa anila ito at tila humihingi ng tulong pero pinanood lamang ng mga taong nakapaligid.

Lumalabas na dating adik ang biktima, sumuko na sa tokhang pero nag negatibo sa mga isinagawang drug test.

Palaisipan pa ang motibo sa nasabing krimen.

Facebook Comments