Libing ni Reynaldo de Guzman, tuloy na mamaya

Manila, Philippines – Kinumpirma ng mga kaanak ni Reynaldo de Guzman alyas Kulot na tuloy ang libing mamaya.

Naging kontrobersyal ang mga labi na pinaglalamayan ng pamilya matapos sabihin ng PNP na hindi si Kulot ang nakuhang bangkay sa Nueva Ecija.

Ayon sa mga kapatid ni alyas Kulot, alas-otso mamaya mag sisimula na ang paglilibing.


Mag kakaroon muna ng misa sa San Antonio Abad Church Maybunga Pasig City bago ilibing si Kulot sa pasig public cemetery sa si Reymundo.

Samantala sarado na ang isip ni Eduardo na naninindigan na anak ang kapiling ngayon at tutol din sa muling pag susuri sa mga labi ni Kulot.

Nagalit ang padre de pamilya ng malaman na balak kunin ng CIDG ang mga labi para isailalim muli sa pagsusuri.

May mga dokumento na dala ang CIDG na pilit pinipipirma sa pamilya pero hindi nila ito tinanggap.

Sa inisyal na impormasyon matapos ang libing mananatili sa kostodiya ng VACC ang mga magulang ng biktima.

Facebook Comments