Dating Congressman Ruben Ecleo Jr., naaresto ng PNP sa Pampanga

Nadakip sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dating congressman na convicted sa kasong pagpatay sa kanyang misis at number one most wanted person ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Ruben Ecleo Jr. alyas “Manuel Riberal”.

Naaresto ito San Fernando, Pampanga kaninang pasado alas-4:00 ng madaling araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kasama ni Ecleo na naaresto ang kanyang driver na si Benjie Relacion Fernan, alyas “Smile”, tubong San Jose, Dinagat Island, Surigao Del Norte at naninirahan sa Diamond Subdivision, Balibago, Angeles, Pampanga kasama si Ecleo jr.


Inaresto ito ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest kasong paglabag sa Republic Act 3019 “Anti-Graft and Corrupt Practices Act”.

Si Ecleo ay hinatulan ng Reclusion Perpetua dahil sa pagpatay sa kanyang asawa at pinagbabayad ng ₱25 million na damage.

Sa ngayon, nasa NCRPO Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City na si Ecleo at driver para sa patuloy na imbestigasyon.

Facebook Comments