Dating inmate biktima ng pamamaril sa lungsod

Sugatin ang isang dating Inmate ng Cotabato City Jail matapos itong mabiktima ng pamamaril kagabing alas siyete ng gabi sa Purok Lumayon mother Barangay Poblacion Cot.City. Kinilala ang biktima nasi Kenny Osmena, na nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1, ni PCI Reynaldo Delanten, bumibili lamang daw ang biktima ng sigarilyo sa tindahan ng lapitan ng dalawang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang mga suspect..Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang inbestigasyon ng kapulisan sa insedente.

Facebook Comments