Dating mamamahayag na si Jay Sonza at isang blogger, kakasuhan ng cyber libel

Kakasuhan ni acting Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PBGen. Nicolas Torre III ng cyber libel sa Department of Justice ang dating mamamahayag at blogger na si Jay Sonza at isa pang blogger.

Ayon kay Torre, ito ay dahil sa pagpapakalat ng “fake news” na siya ay nagkasakit at naospital.

Ayon kay Torre, ang mga kumakalat na litrato ay fake at photoshop.


Ani Torre, pwede pa siyang sumabak sa marathon para mapatunayang siya ay malusog.

Inaasahang isasampa ni Gen. Torre ang cyber libel laban sa dalawang akusado sa susunod na linggo.

Facebook Comments