Wednesday, November 25, 2026

Pilipinas, bibili ng US military equipment na “hindi binebenta sa ibang bansa” sa ilalim ng 2 billion dollars financing ayon kay Defense Secretary Teodoro

Kinumpirma ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na bibili ang Pilipinas sa Amerika ng mga military equipment na hindi nito ibinebenta sa ibang bansa sa ilalim ng $2-billion financing package.

Ayon kay Teodoro, ang mga napiling kagamitan ay mga multi-domain at multi-threat hardware na nasa ilalim ng security sector roadmap ng bansa.

Hindi naman tinukoy ng kalihim kung anong mga military asset ang bibilhin.

Kaugnay nito ,nabatid na may hiwalay na ring $400 million na grant sa ilalim ng US Foreign Military Financing (FMF) program na nakalaan na sa security sector roadmap.

May karagdagang $100 million grant na rin at humigit-kumulang $50 hanggang $60 million para naman sa ongoing na Super Intelligence o AI program ng DND at Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Teodoro malaking tulong ito sa pagpapalakas ng deterrence ng bansa.

Facebook Comments