
Pag-aaralan ng Malacañang ang posibilidad na ma-extend pa ang termino ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil hanggang matapos ang halalan sa May 2025.
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng mga mungkahi at argumento tungkol dito.
Sa ambush interview sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Marcos na may punto ang mga argumento na nagsasabing hindi makabubuti sa katatagan ng bansa kung papalitan si Marbil sa kalagitnaan ng panahon ng kampanya at eleksyon.
Kaya malaki aniya ang posibilidad na mapalawig ang termino ni Marbil hanggang sa matapos ang halalan.
Kung hindi ma-e-extend, si Marbil ay nakatakdang magreretiro na sa February 7, 2025, sa kanyang ika-56 na kaarawan na mandatory retirement age sa PNP.