DATING MAYOR NG ANDA NA SI ALDRIN CERDAN, PINAGBABARIL NG KANIYANG PERSONAL STAFF, PATAY!

513
PATAY ang dating Mayor ng Anda na si Aldrin Cerdan matapos itong pagbabarilin ng kaniyang personal staff sa Barangay Namagbagan sa nasabing bayan.
Kinilala ang suspek na si William Cagampan alyas “Dugong”.
Sa report ng awtoridad, nagpapahinga si Cerdan sa kaniyang farm nang dumating si Cagampan. Nag-usap pa ang dalawa ngunit agad na pinagbabaril ang biktima gamit ang M16 rifle.

Itinakbo pa sa hospital si Cerdan ngunit pumanaw din.
Nahuli naman ang suspek matapos ang isinagawang dragnet operation ng awtoridad.
Ayon sa PNP Pangasinan wala umanong kaugnayan sa politika ang nangyaring pagpatay sa dating alkalde.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinagawang imbestigasyon ng awtoridad. (developing story)###/ifmnews
Facebook Comments