Manila, Philippines – Kinasuhan ng kasong katiwalian angdating opisyal ng Rebolusyonarong Alyansang Makabansa o RAM na si ProcesoMaligalig.
Ang kaso ay nagugat sa iregularidad na kinasangkutan niMaligalig noong ito pa ay presidente at miyembro ng board of directors ngBataan Shipyard and Engineering Company o BASECO.
Pumasok sa kasunduan si Maligalig sa Northstar TransportFacilities Inc nang walang otorisasyon mula sa BASECO board.
Base sa impormasyon ng kaso, tinanggap ni Maligalig ang 3.5 million pesosmula sa northstar bilang full settlement sa arrears nito na 4.8 million pesosmula sa pag-upa ng lupa ng BASECO sa port area sa lungsod ng Maynila.
Hindi din nai-remit ni Maligalig ang 3.5 million pesos naito sa BASECO.
Samantala, ongoing ngayon ang pre trial ni dating SenatorJinggoy Estrada at pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa Sandiganbayan5th Division na nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano’y iligal na paggamitng pdaf sa mga bogus na NGOs ni Napoles.
Dating opisyal ng RAM, kinasuhan sa Sandiganbayan
Facebook Comments