DATING PUNONG BARANGAY, PATAY SA PAMAMARIL SA BAYAN NG ROSALES

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na pamamaril sa isang dating Barangay Captain sa bayan ng Villasis.
Kinilala ang biktima na si Bryan Trinidad, dating barangay captain ng Brgy. Toboy bayan ng Asingan.
Sa imbestigasyon ng PNP, pasado alas-siyete ng gabi sa kahabaan ng Don Teofilo Sison Bridge, itinawag sa PNP ang isang sasakyan na nakatigil sa gitna ng kalsada at nagiging dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko.

Nang puntahan ito ng PNP, ay tumambad sa kanila ang biktima na naliligo sa sariling dugo sa loob mismo ng kanyang sasakyan.
Isinugod pa ito sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival na ito.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng salarin maging ang motibo sa pamamaril. |ifmnews
Facebook Comments