
Nagtungo si dating senador Bong Revilla sa Department of Justice (DOJ) upang ihain ang kanyang counter-affidavit kaugnay ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Francesca Señga, wala umanong iba pang kasong nakabinbin laban kay Revilla sa DOJ sa ngayon.
Isinabay rin nila ang pagsusumite ng mga ebidensiyang pinaniniwalaang magpapawalang-bisa sa mga alegasyon.
Umaasa ang kampo ng dating senador na magiging patas ang DOJ sa pagbusisi ng reklamo at hindi ito mauuwi sa pagfile ng kaso sa korte.
Giit pa ng kampo ni Revilla, patuloy nilang susundin ang legal na proseso at naninindigan silang pawang kasinungalingan ang mga alegasyon at reklamo laban sa dating senador.
Facebook Comments









