Friday, March 6, 2026

Dating Senador Antonio Trillanes IV, kumpiyansa sa mga ebidensyang ihaharap sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte

Kumpiyansa si dating senador na si Antonio Trillanes IV sa magiging kahihinatnan ng nagpapatuloy na paggulong ng impeachment complaint laban kay Sara Duterte.

Sa pulong-balitaan, sinabi ni Trillanes na tiwala siyang mahihimok ang mga kongresista at maging ang taumbayan sa oras na makita ang mga ebidensyang ihaharap laban sa bise presidente sa House of Representatives of the Philippines.

Ayon sa kanya, sa mga ebidensya ay makikita na hindi karapat-dapat na manatili sa puwesto bilang bise presidente si Duterte.

Dagdag pa niya, unti-unti nilang tinatahak ang mga hakbang sa proseso ng naturang reklamo, mula sa pagsasampa nito hanggang sa pagdedeklara na sufficient in substance.

Matatandaang 54 na mga kongresista ang bumoto na sufficient in substance ang ikaapat na impeachment complaint sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Justice.

Facebook Comments