Davao City Mayor Sarah Duterte, may desisyon na para sa darating na eleksyon

Kinumpirma ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio na tuloy na ang kaniyang pagtakbo hindi bilang presidente ng bansa kundi bilang alkalde pa rin ng kaniyang lungsod.

Ayon kay Sarah Duterte, mananatili pa rin na si Vice Mayor Sebastian Duterte ang kaniyang magiging katambal.

Nilinaw rin nito na hindi siya magpapasa ng certificate of candidacy para sa posisyon ng pagka-presidente sa Oktubre 8 o magiging substitute ng sinuman para sa nasabing posisyon.


Paliwanag ng alkalde, imposible ito dahil hindi siya kabilang sa anumang national political party.

Aniya, susuportahan na lamang niya ang kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampaniya nito bilang bise-presidente sa 2022 national elections.

Facebook Comments