Pormal nang idineklara bilang insurgency-free ang Davao Region.
Ito ay matapos lagdaan ng mga miyembro ng Regional Peace and Order Council ang isang resolusyon sa ginanap na Executive Committee Special Meeting sa Panacan, Davao City.
Ayon kay 10th Infantry Division Spokesperson Captain Mark Anthony Tito, nabuwag na ang 15 Guerilla Fronts, anim na Pulang Bagani Commands at apat na Sub-Regional Committees na nag-o-operate sa Davao Region.
Sinabi pa ni Tito na mula 2016 hanggang 2022, 1,749 New People’s Army (NPA) na ang na-neutralize ng militar kabilang dito ang 107 napatay, 217 naaresto at 1,425 sumuko.
Habang 1,597 armas ang nakumpiska, 9,985 miyembro ng Underground Mass Organization ang sumuko at 401 barangay ang nalinis mula sa impluwensya ng NPA.