Pagpapaliban sa BSKE, nilagdaan na ni PBBM

Batas na ang pagpapaliban ng December 2022 Barangay at Sagguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa ulat ng Malakanyang, pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act 11935 na may petsang October 10, 2022.

Sa ilalim ng batas, gagawin na ang BSKE sa huling Lunes ng October 2023 at kada tatlong taon pagkatapos.


Dahil dito, ang mga Barangay at SK officials ay mananatili sa kanilang pwesto maliban na lamang kung sila ay matatangal o masususpinde sa anumang dahilan.

Epektibo ang batas sa sandaling makumpleto na ang publications sa Official Gazette at sa dalawang pangunahing pahayagan na may general circulation.

Facebook Comments