Dating Sen. De Lima, posibleng matagalan pa sa PNP Gen. Hospital

Mananatili muna si dating Senadora Leila de Lima sa Philippine National Police (PNP) General Hospital.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., nakadepende sa magiging findings at rekomendasyon ng mga doktor ng senadora kung hanggang kailan ito mananatili sa PNP General Hospital.

Base kasi sa findings ng mga doktor ni De Lima, mayroon itong acute coronary syndrome at hypertension na matagal na niyang iniinda.


Kasunod nito, binigyang diin ni Azurin na hindi naging dahilan ng paglala ng sakit ni De Lima ang naging karanasan nito sa PNP Custodial center kung saan ito ay na hostage noong Linggo.

Facebook Comments