Dengue outbreak, idineklara ng QC-LGU

Nagdeklara ngayong ng dengue outbreak ang Quezon City–Local Government Unit o QC-LGU.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Joy Belmonte sa pulong balitaan.

Ito ay matapos na maitala ang sampung indibidwal na nasawi sa lungsod dahil sa dengue.


Ayon kay Belmonte, ginawa nila ang hakbang hindi para takutin ang mga residente kundi bilang paalala upang maging maingat ang lahat sa tumataas na kasi ng dengue cases sa QC.

Facebook Comments