
Nangako ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na mas magiging hassle-free na pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng patuloy na digitalization ng tax system nito.
Nauna nang pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang modernization efforts ng BIR.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, sa pamamagitan nito ay mas magiging boluntaryo ang mga tax compliance sa buong bansa at maibabalik ang pagtitiwala ng publiko sa mga proseso sa gobyerno.
Sa ngayon, mas pinasimple na ng BIR ang tax compliance sa pamamagitan ng Online Registration and Update System (ORUS) kung saan ang mga taxpayer ay maari nang mag-register at mag-update ng information nang walang aberya.
Binawasan na rin ang harapang pag-access sa ID gamit ang Digital TIN IDs gayundin ang Electronic One-Time Transactions na nagpabilis na sa tax document approvals at registrations at iba pa.
Ngayong taon, target ng BIR na makamit ang target na ₱3.23 trillion na tax collection.