
Umalma si Atty. Israelito Torreon sa akusasyon ng grupong Karapatan na VIP treatment kay Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos ang video message ni Quiboloy sa kanyang proclamation rally noong February 11.
Ayon kay Torreon, may basbas ng Pasig RTC ang pag-record ni Quiboloy ng video message para sa kanyang proclamation rally.
Nilinaw rin ni Torreon na hindi pa convicted ang kanyang kliyente at akusado pa lamang aniya ito.
Bilang akusado aniya, may civil at political rights pa rin aniya si Quiboloy kung saan protektado siya ng 1987 Constitution.
Kinuwestiyon din ni Torreon ang kabiguan ng grupong Karapatan na mag-ingay laban kay Congresswoman France Castro na aniya’y convicted ng Regional Trial Court of Davao Del Norte sa kasong Child Abuse at malayang tumatakbo pa sa pagka-senador.