DENGVAXIA ISSUE | Ilang tauhan ng DOH, nagtatago ng mga dokumento na may kaugnayan sa Dengvaxia – Sen. Richard Gordon

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Senador Richard Gordon na may mga kawani ng Dept. of Health ang nagtatago ng mga dokumentong may kaugnayan sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Gordon, nasilip nila ang ilang dokumento ng DOH na sinadyang itago.

Nakasaad aniya rito ang ginawang pagkumbinsi ni dating Health Sec. Janette Garin sa Food and Drug Administration (FDA) na mag isyu ng permit para sa Dengvaxia kahit hindi pa tapos ang pag-aaral rito.


Tiniyak naman ni Gordon na ilalabas ng Blue Ribbon Committee ang mga dokumento sa susunod na hearing hinggil sa isyu sa Martes February 6.

Facebook Comments